Wednesday, November 25, 2009

Sa loob ng Jeepney


"Buhay Traveler"
Napansin ko lang tuwing sasakay ako ng Jeep at bibiyahe ay ang mga taong nakasakay dito, di ko lang alam kung bakit ko na i-sulat ang ganitong bagay, pero share ko na lang.
Makikita mo ang mga emosyon ng mga taong nakikita mo sa loob ng jeep ang karamihan ay uuwi mula sa trabaho, yung iba naman ay papasok, may mag-lalakwatsa lang.Pero ang nasa isip-isipan ko ay ang safety naten pag sasakay tayo ng jeep? kaya ingat lang. May isang pagkakataon na naka-sakay akong jeep na di naman masyadong maayos ang pag-mamaneho ng tsuper di ko lang alam kung baket ganun? siya'y nag-mamadali na para bang makakuha lang ng pasahero? yung iba naman para maka-iwas trapik,nakasakay na ba kayo na nagtitest c maong tsuper? o naninigarilyo kahit na may sign board sa Jeep niya na "NO SMOKING", pero hindi naman lahat ng tsuper ay ganun. Kinagagalak ko nga ang mga tsuper ng mga Jeep at Kahit anong sasakyan pa yan, dahil kung wala sila hindi tayo makakarating ng paroroonan natin. Ang pagiging tsuper ay hindi madaling trabaho.
Ang napansin ko naman sa mga pasaherong pumatito't pumaroon. Ang kanilang mga facial expresion ang nag papahiwatig ng kailangan nilang makarating sa paroroonan. Ang mga estudyanteng abala sa pagbabasa ng mga kwaderno nila pero sa karamihan sa mga estudyanteng hayskul ay medyo bulakbol na lalo na ang mga kalalakihan, mapapansin naman sa porma't kilos e,di ko lang malaman kung gaano kahirap ang panahon ngayon nagawa pa nilang mag-pakasasa sa pera at mag-aksaya.
Ang tanging payo ko lang sa pag sakay naten sa Jeepney, ay magtiwala lang sa Diyos at dobleng ingat na lang po.
panu ba yan hanggang dito lang yung napansin ko..haha baka madagdagan pa.!

No comments:

Post a Comment